LEGAZPI CITY- Puspusan na ang paghahanda ng lalawigan ng Catanduanes kaugnay ng pinangangambahang epekto ng sama ng panahon.
Ayon kay Catanduanes Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Emergency Operations Chief Roberto Monterola sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na naka orange alert na ang mga lolal na pamahalaan sa lalawigan.
Ito ay kaugnay ng binabantayang sama ng panahon sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
Nakataas na rin umano ang orange alert sa lugar.
Sa kasalukuyan sinabi ng opisyal na wala pa namang direktang epekto ang naturang sama ng panahon subalit naka alerto na ang lalawigan.
Dagdag pa ni Monterola na regular ang monitoring nila sa rain clouds sa pamamagitan ng state weather bureau upang malaman kung saang mga lugar makakaranas ng mga pag-ulan.
Samantala, sa kasakuluyan ay nagagamit na rin aniya ang mga communication equipment na donasyon mula sa Australian Embassy.
Sa kabila nito ay plano pa ng lalawigan na bumili ng karagdagang mga kagamitan para sa mas maayos na pagbibigay ng serbisyo sa publiko.