LEGAZPI CITY-Nagbigay ng passing grade na 8 ang gobernador ng Catanduanes ngunit sinabing maaari itong bumaba kung ang mga ipinangakong hakbang ay hindi maipapatupad.

Ayon kay Catanduanes Governor Patrick Azanza, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, magandang balita para sa mga Bikolano ang mga talakayan sa SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.


Sa kanyang opinyon, ang pinaka-epekto para sa kanya sa sinabi ng Pangulo, ay ang babaguhin at lilinisin niya ang mga reporma ng Department of Public Works and Highways (DPWH), sa mga dike na hindi nagprotekta sa mga Pilipino at mga substandard na proyekto nito.


Ipinunto rin ng Pangulo na siya mismo ang magdidirekta sa mga listahan at magre-rebisa sa mga ito, na inaasahan ng opisyal na magiging totoo.


Bilang propesor, binigyan niya ng grade 8 ang pangulo dahil sa kanyang sincere mission sa gitna ng kawalan ng serbisyo ng gobyerno, na aniya ay malaking bagay para sa Pangulo na tanggapin ang kahinaan nito, na hindi itinanggi ng Pangulo ang mga pagkukulang at mayroon din na pagnanais na palawakin ang mga serbisyong ibibigay nito.


Dagdag pa ni Azanza, nakikita at nararamdaman niya na may totoong nangyayari, ngunit hindi pa ito sa pinakamataas na antas, at masasabing nararamdaman o mararamdaman ang pagbabago lalo na sa mga scholarship program.


Ang kagandahan aniya ng SONA ay hindi ito paikot-ikot at tinalakay agad ang mga ilalatag bago matapos ang kanyang termino.


Bilang gobernador, inaasahan niyang magpapatuloy ang gradong 8, ngunit maaari itong bumagsak kung mawawala ang political will na tuparin ng Pangulo ang mga pangako nito.