Catanduanes flood

LEGAZPI CITY- Nakapagtala ng isang casualty sa bayan ng Virac, Catanduanes ang mga pagbaha na naitala sa lalawigan dahil sa mga pag-ulan na dulot ng shearline.

Ayon kay Catanduanes Governor Patrick Azanza sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na isang lalaki ang tinangay ng malakas na alon ng tubig habang sakay ng kaniyang motorsiklo.

Naitakbo pa umano ito sa pagamutan subalit hindi na nailigtas pa.

Kaugnay nito ay muling nanawagan ang gobernador sa national government ng mas maayos na flood control projects dahil sa madalas na mga pagbaha sa island province.

Aniya, napapalibutan ng tubig ang naturang isla kaya kailangan ng proteksyon ng komunidad.

Samantala, patuloy naman ngayon ang pagpapaabot ng family food packs sa mga apektadong residente sa tulong ng Department of Social Welfare and Development Bicol.