LEGAZPI CITY-Ginamit bilang isang oportunudad ng gobernador ng lalawigan ng Catanduanes sa kaniayng padalo sa State of the nation Address (SONA) ni President Ferdinand Marcos Jr. para humingi ng tulong hinggil sa mga programa ng kanilang lalawigan.
Ayon kay Catanduanes Governor Patrick Azanza, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, malaking balita para sa mga Bicolano ang pagbubukas ng highway na magdudugtong sa pagbabyahe papuntang Maynila.
Aniya, naging maganda ang mga tinalakay ng Pangulo para sa mga Bicolano at sa mga mamamayang Pilipino, kabilang na ang kanyang pagpapatupad ng health care system, lalo na ang zero balance billing, ang pinalawak na saklaw ng Philhealth tulad ng tulong sa pagpapagamot sa cancer treatment at dialysis patients gayundin sa sektor ng agrikultura at edukasyon.
Nakasama niya ang iba pang Gobernador sa Bicol kasama na si Governor Noel Rosal.
Sinabi rin ng opisyal na hindi ito ang unang SONA na dinaluhan niya, at ginawa rin niya itong pagkakataon para masundan ang mga pangako na tulong ng gabinete sa lalawigan, at nakipag-coordinate din siya sa iba pang mga senador para suportahan ang kanyang mga layunin hinggil sa mga sisterhood projects sa Catanduanes.
Dagdag pa ng opisyal, malaking tulong ito para sa kanilang lalawigan lalo na sa panahon ng bagyo at inaasahan din nila ang tulong sa mga pasilidad, oportunidad sa trabaho, at market distribution ng kanilang mga produkto.
Sinabi rin ng opisyal na ang mga sisterhood project ay mahalaga para sa best practices at pagpapauswag ng mga proyekto sa lalawigan.