LEGAZPI CITY—Iginiit ni Catanduanes Governor Patrick Alain Azanza na natuwa siya ang talumpati ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang ikalimang State of the Nation Address tungkol sa mga isyung kinakaharap ng bansa.

Ayon sa gobernador, sa panayam sa Bombo Radyo Legazpi, kanyang ikinatuwa ang pagpapatanggal ng systems loss charge sa kuryenteng ipinapasa sa mga konsyumer, pagtataas ng antas ng exemption sa income tax, pagsuporta sa maliliit na negosyante, pagpapalawig ng zero-balance billing, edukasyon, agrikultura, maging ang mga programa ng Department of Social Welfare and Development pagdating sa pagtugon sa mga sakuna.

Sinabi niya na tiyak na makikinabang din ang mga residente ng Catanduanes sa mga programang ito.

Dagdag ni Azanza na naging maganda ang pahayag ng pangulo, makamasa, at nakatuon sa mga problemang kinakaharap ng komunidad.

Wala rin aniyang patumpik-tumpik si Marcos at tinalakay niya ang isyu ng korapsyon.

Sinabi rin nito na sulit ang kanyang pagdalo sa SONA at natuwa siya sa kanyang narinig, at naniniwala siyang magkakaroon ito ng malaking epekto sa mga Pilipino.

Binanggit din aniya ng pangulo ang rehiyon ng Bicol, na nangangahulugang hindi nawala sa kanyang isipan ang kapakanan ng mga Bicolano.