LEGAZPI CITY – Opisyal nang idineklara ng Catanduanes Provincial Health Office na “cleared patient” na sa COVID-19 ang nag-iisang nagpositibo sa lalawigan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Dr. Franchette Panti ng PHO Catanduanes, sinabi nito na negatibo na si Bicol #25 sa ikalawang swab test.

Una nang nagnegatibo noong Abril 24, 2020 sa unang swab test ang pasyente.

Ayon kay Dr. Panti, nadischarge na rin ito sa ospital subalit kailangan pa ring manatili sa bahay.

Lahat naman nagnegatibo ang iba pang nakasalamuha ng pasyente.

Sa ngayon, maituturing na umanong COVID-19 free ang Catanduanes.

Dr. Franchette Panti ng PHO Catanduanes