LEGAZPI CITY – Pinuna ng isang mambabatas ang ginagawnag pangangalap ng pirma ni Senador Robin Padilla upang harangin ang planong pagpapaaresto ki Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy, na itinuturing niyang ”bayani”.

Lima ang senador na pumirma sa manipesto upang kontrahin na ipa-contempt at ipaaresto si Quiboloy ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, na pinamumunuan ni Sen. Risa Hontiveros.

Kabilang sa mga sinabi ni Padilla na pumirma upang harangain ang arrest warrant laban kay Quiboloy ay si Sen. JV Ejercito na kalaunan ay nagpalabas ng pahayag na binabawi ang kanyang pirma.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay ACT Teachers Rep. France Castro, binigyang diin nito na nasa ilalim ng “inquiry in aid of legislation” ang isinasagawang mga pagdinig kung saan dapat na katarungan ng mga biktima ang prayoridad at hindi ang personal na ineteres.

Ayon kay Castro na bilang mga kapwat mambabatas na nagtatrabaho para sa mga mamamayang Pilipino ay hindi katanggpa-tanggap na porque kaibigan ang nililitis ay dedepensahan na.

Dahil dito, lumalabas aniya na parang nagka-cuddle ng mga kriminal o suspek kung saan sa ‘in aid of legislation’ kinakailangang gampanan ang trabaho at hindi dapat mangingibabaw ang personal na interes.

Sinabi pa ni Castro na kung talagang walang ginawang mali o kasalanan si Pastor Quiboloy ay dapat humarap na ito sa mga hearing upang linisin ang mga akusasyon.