cash withdrawals

LEGAZPI CITY- Isinasapinal na ang datos ng mga cash withdrawals sa lalawigan ng Albay para sa buwan ng Enero 2026 kasabay ng pagkakaroon ng aktibidad ng bulkang  Mayon.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas  Legazpi Branch Acting Area Director Evelyn Tanagon sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na bagamat wala ang pinal na data ay inaasahan ang pagkakaroon ng pagtaas sa cash withdrawals sa lalawigan.

Ito ay kasabay ng pagdami ng mga turista na bumibisita sa lalawigan upang makita ang bulkang Mayon.

Paliwanag ng opisyal na kung marami ang buhos ng turista at marami ang dumadating na mga tao ay mas tumataas ang sirkulasyon. 

Ito ay dahil maraming pera ang ginagamit sa lokalidad na nangangahulugan ng mas mataas na bilang ng withdrawals. 

Matatandaan kasi na simula nitong Enero ay mas dumarami ang mga local at foreign tourists na personal na inaabangan ang aktibidad ng bulkang Mayon.

Samantala, kasabay nito ay mahigpit naman ang paalala ng mga kinauukulan na magtungo lamang sa mga itinakdang viewing spots upang maiwasan ang anumang aksidente.