Nananatiling buhay ang pag-asa para sa Olympic gold medal ni Pinoy Gymnast Carlos Yulo.

Ito matapos umabanse na sa finals ng vault apparatus si Yulo para sa 2024 Paris Olympics gymnastics tournament.

Nakapagtala kasi ito ng 14.683 sa vault event para sa qualifiers.

Sapat na ang nakuha nitong score upang makuha ang ika-anim na pwesto sa qualifying round.

Samantala, inaabangan na rin ang magiging resulta para sa all-around at floor exercise.