LEGAZPI CITY – Nagpalabas ng abiso ang lokal na pamahalaan ng Tiwi na passable na ang Cararayan-Naga road simula kaninang alas-7:45 ng gabi.

Ito matapos ang isinagawang clering operations ng mga kinauukulan dahil sa humambalang na puno sa kalsada.

Matatandaan kasi na nagdulot ng abala ang naturang insidente para sa mga dumadaan sa naturang kalsada kaya agad na nagsagawa ng aksyon ang mga lokal na opisyal.

Samantala, nagbabala pa rin ang mga kinauukulan sa mga motorista na maging maingat at alerto sa pagmamaneho lalo pa ngayon na nakakaramdam ng masamang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng lalawigan ng Albay.

Sa kasalukuyan kasi ay nararamdaman sa Bicol ang mga pag-ulan dulot pa rin ng sama ng panahon na dala ng bagyong Carina at habagat.