LEGAZPI CITY- Nakaramdam ng pagyanig ang Caramoan, Camarines Sur kaninang alas-12:46 ng madaling araw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology may lakas itong magnitude 4.3.

May lalim itong 7km at tectonic ang pinagmulan.

Naitala ang Instrumental Intensity III sa bayan ng Caramoan.

Samantala, wala namang inaasahan na anumang aftershocks o pinsala kasunod ng naturang pagyanig.