Hawak na ngayon ng mga otoridad ang car agent na itinuturing na person of interest sa pagkamatay ni Police Senior Master Sergeant Diane Marie Mollenido at walong taong gulang na anak nito.
Matatandaan na natagpuang wala ng buhay noong Enero 24 ang naturang policewoman sa creek sa Pulilan, Bulacan at nadiskubre na may tama ng bala sa ulo.
Ang anak ng biktima ay nadiskubre rin na wala ng buhay sa Tarlac.
Ayon sa mga kapulisan na magsasagawa sila ng DNA tests sa mga biktima matapos madiskubre ang bakas ng dugo sa bahay ng naturang car agent sa Quezon City.
Lumabas rin sa paunang imbestigasyon na huling nakita si Mollenido noong Enero 16 matapos ang nakatakdang pakikipagkita sa isang car agent para sa pagbebenta ng sasakyan.











