Arestado ang isang lalaki sa isang entrapment operation matapos siyang akusahan ng pagbebenta ng karne ng aso.

Ayon sa imbestigasyon, isang buhay na aso ang nasagip ng mga pulis.

Ang asong ito ay ikinarga ng buhay sa isang bag at tinalian ng wire.

Agad dinala ang aso sa veterinary clinic para gamutin.

Lumalabas sa imbestigasyon na bagama’t hindi niluluto ang karne sa mismong canteen, pinaniniwalaang kinakatay ito sa labas at palihim na ibinebenta sa kanilang mga interesadong kostumer.

Ang operasyon ay pinangunahan sa tulong ng regional director ng UK based of animal welfare investigation project.

Ayon kay Pmaj Napoleon Velasco ng San Jacinto PNP, ito ang unang kaso ng sakit na hayop sa bayan.

Pinagmulta ang suspek at nangakong hindi na mauulit ang insidente.

Samantala, patuloy na binabantayan ng mga awtoridad ang iba pang lugar upang matiyak na matigil na ang kalupitan sa mga hayop sa kanilang mga bayan.