LEGAZPI CITY – Proud na ibinahagi ni Camarines Sur Gov. Migz Villafuerte sa kaniyang official social media account na magiging daddy na ito kasabay ang larawan kung saan kita ang “baby bump” ng kaniyang partner na si dating Miss Universe Philippines titleholder Rachel Peters.
“Magiging daddy na po ako #beyondblessed Salamat po Kagurangnan!”
Inulan naman ng pagbati ang comment section ng “soon-to-be-dad”.
Engaged na ang dalawa at nakatakda sanang magpakasal sa Indonesia noong 2020 subalit pansamantalang ipinagpaliban dahil sa paghihigpit dulot ng coronavirus pandemic.