LEGAZPI CITY-Nahalal si Camalig Mayor Baldo Jr. bilang pangulo ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) Albay Chapter sa isinagawang provincial chapter elections.
Ayon kay Albay Camalig Mayor Carlos Irwin Baldo Jr., sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, na ang mandato niya bilang pangulo ay pag-isahin ang mga alkalde sa probinsiya dahil sa nakalipas na taon, nagkaroon ng halos mga pamomolitika subalit kung posible na magkaisa ang bawat alkalde, ito ay para sa ikabubuti ng buong lalawigan.
Marami aniya ang mga bagong alkalde sa provincia, kung saan nariyan din ang suporta ng mga dating naglilingkod upang ang bawat miyembro ng politika ay magtulungan sa pangangailangan, katulad ng konsultasyon at mga katanungan hinggil sa mga tamang hakbang sa paglilingkod upang magkaroon ng garantiya ang mga mamamayan sa pambansang pamahalaan.
Tungkol naman sa mga flood control projects, sinabi ni Mayor Baldo na kailangang kumonekta sa national government lalo na ang paglalatag ng mga pondo para makatulong sa mga munisipyo sa probinsya.
Nais ding bisitahin, aniya, ni Albay Governor Noel Rosal ang bawat munisipalidad upang malaman ang mga prayoridad para sa kanilang mga komunidad.
Bilang pinuno ng Camalig, nagsisilbi rin aniya siyang halimbawa na kung may nagawang mabuti ang kanyang tanggapan, maaari itong i-replicate ng ibang mga alkalde para sa ikabubuti ng bawat munisipalidad.
Nagpasalamat din si Mayor Baldo sa mga tumulong sa kanya at sinabing sisikapin nilang magkaisa ang bawat alkalde ng Albay.
Hinimok din niya ang publiko na asahan na magsasagawa sila ng iba pang talakayan para sa kapakanan ng bawat bayan sa lalawigan.