LEGAZPI CITY – Magbibigay ng pagkilala ang lokal na gobyerno ng Camalig sa mga volunteers at responders na buwis-buhay na tumulong sa paghahanap at pagbaba ng bangkay ng mga pasahero ng Cessna 340A plane na bumagsak sa taas ng bulkang Mayon.

Ayon kay Operations Commander at Camalig Mayor Caloy Baldo, hindi matatawaran ang pagsasakripisyo na ibigay ng mga responders na mahigit sa isang linggo rin na nagtrabaho upang maibaba ang bangkay ng mga biktima.

Maliban rito magbibigay rin ang lokal na gobyerno ng trabaho sa mga volunteers na residente ng Camalig.

Kahapon ng tuloyan ng maibaba mula sa itaas ng bulkang Mayon ang bangkay ng apat na biktima na sina Captain Rufino James Crisostomo Jr., crew na si Joel Martin at Australian nationals na sina Simon Chipperfield at Karthi Santhanan.

Ngayong araw dadalhin ang bangkay sa command center sa Camalig kung saan isasagawa na rin ang autopsy.

Hindi pa naman malinaw hanggang sa ngayon kung ano ang posibleng dahilan ng pagbagsak ng naturang eroplano na unang naiulatna nawala noong Pebrero 18.