LEGAZPI CITY – Siniguro ng Civil Aviation Authority of the Philippines na mas pagbubutihin pa ang pagpapatupad at pag-sustain ng safety measures sa mga paliparan sa bansa.

Ito matapos na makapagtala ng zero accidents sa commercial operating aircrafts sa bansa noong 2024.

Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines spokesperson Eric Apolonio na noong 2023 ay mayroong 19 na mga aksidente sa commercially aircraft operators kaya makaling akomplishimento para sa tanggapan na hindi ito naulit noong nakalipas na taon.

Paliwanag ng opisyal na nais nila na mapanatili ang aviation safety upang maibalik ang kumpiyansa ng publiko na ligtas ang pagsakay sa mga eroplano.

Nabatid na sa kasalukuyan ay pinaigting pa ang proseso upang mas maging convenient at ligtas ang Philippine skies.

Kabilang sa mga ginagawa ng tanggapan ay ang pagpapatupad ng runway expansion, improvements sa komunikasyon at iba pa.

Ayon kay Apolonio na taun-taon kasi na tumataas ng nasa 7% hanggang 10% ang air travel at inaasahan na mas darami pa ang bilang ng mga pasahero ngayong taon.