LEGAZPI CITY- Dumipensa an Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa mga komento sa social media na nagsasabing hindi pang-world class ang kakabukas pa lamang na Bicol International Airport sa Albay.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Marlene Singson ang Assistant Director General ng Air Traffic Service ng CAAP, nilinaw nitong kompleto sa mga ekipahe ang paliparan subalit posibleng nakansela ang flight dahil lumampas na ito sa oras ng operasyon ng BIA na simula alas 6 ng umaga hanggang alas 6 ng gabi lamang kung kilan ginagamit ang airfield lighting system at may nakabantay na air traffic controller.
Aminado naman ang opisyal na malayo na ang standards ng BIA kumpara sa mga bagong paliparan sa ibang bansa lalo pa at 1998 pa ng idesenyo ito at ngayong taon lamang natapos at naging operational.
Binigyang diin din ni Singson na taliwas sa mga komento, masasabing world class an paliparan dahil sa kapabilidad nitong tumanggap ng mga international flights.