LEGAZPI CITY- Naubos na ang mga backlogs sa byahe sa pantalan ng Matnog, sa provincia ng Sorsogon, matapos ang naitalang mga aberya dahil sa masamang panahon na nauwi sa pagkasira ng ilang mga pampasaherong barko.

Ayon kay Achillers Galindes, Acting Division Manager kan Matnog Port sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, sa ngayon ay wala ng mahabang pila at balik normal na ang bilang ng mga departures.

Paliwanang ng opisyal, naresolba na ang ang ilang mga aberya sa pantalan at dumating na rin ang barkong ipapalit sa sumadsad na LCT Legacy 1 kung kaya nadagdagan na ang bilang ng mga barkong ginagamit sa byahe.

Kaugnay nito, ay nakitaan din ng pagtaas ng bilang ng mga pasahero kumpara noong 2021 at bagong taon noong 2022, kung saan 10-20% ang itinaas, kung saan 5,000 na mga pasahero kada araw ang naihahatid ng mga barko noon samantaang umaabot na ito sa 6,000 hanggang 6,500 na mga pasahero ngayon

. Samantala, muli namang nagpaalala si Galindes sa publiko patungjol sa importansya ng pagiging updated at alerto lalo na kung masama ang panahin upang maiwasan na maging stranded.