LEGAZPI CITY- Pinawi ng Bureau of Jail Management and Penology ang pangamba ng publiko kaugnay ng mga summer diseases na tumatama sa mga persons deprived of liberty.
Ayon kay Naga City District Jail Male Dormitory Jail Chief Inspector Rodulfo Verzosa sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na manageable naman ang kasalukuyang sitwasyon lalo pa at magdamag na nakabantay ang mga jail nurse.
Binigyan na rin umano ng direktiba ng regional office ang mga jail nurses na makipag-ugnayan sa mga local health office ng kada pasilidad para sa isasagawang mga hakbang.
Katunayan, sinabi ni Verzosa na nag-request na sila sa provincial skin center ng mga gamot sa summer diseases upang magamit sa mga persons deprived of liberty na tinatamaan nito.
Sa kasalukuyan ay minimal pa naman aniya ang mga tinatamaan ng sakit subalit nakahanda na ang isolation facility na kanilang gagamitin sakaling lumala ang sitwasyon.
Katunayan, ang mga tinamaan umano ng tuberculosis ay naka-isolate na sa kanilang mga pasilidad.
Samantala, dahil sa congestion sa mga kulungan ay sinabi ni Verzosa na sinisikap nila na magkaroon ng mapangalagaan ang pisikal na kalusugan ng mga persons deprived of liberty kaya nagkakaroon sila ng mga basketball tournaments, regular na zumba at iba pa.