LEGAZPI CITY- Nagsasagawa na ng mga hakbang ang Bureau of Jail Management and Penology Bicol kaugnay ng pinangangambahang epekto ng El Niño sa mga persons deprived of liberty.

Ayon kay BJMP Bicol Chief Jail Superintendent Joel Superficial sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, nagbigay na siya ng direktiba sa lahat ng mga jail warden na siguruhing hindi gaanong maapektuhan ng naturang phenomenon ang kanilang mga nasasakupang pasilidad.

Kabilang sa mga inihahanda ng naturang ahensya ay ang pagkakaroon ng sapat na water sources sa lahat ng mga jail facilities sa lalawigan.

Nabatid kasi na sa kasalukuyan ay nasa 300% pa ang congestion rate sa mga pasilidad sa rehiyon.

Subalit ayon kay Superficial na mas mababa na ang naturang tala kumpara sa 600% na congestion rate sa nakalipas na mga taon.

Sinisikap din aniya ng pamunuan na mas mapababa pa ang naturang congestion rate upang mas maging maluwag ang pasilidad na pinamamalagian ng mga persons deprived of liberty.