LEGAZPI CITY- Nagpapatuloy ang aktibidad ng Bulkang Bulusan sa lalawigan ng Sorsogon.

Batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, nagkaroon ng limang volcanic earthquakes sa nakalipas na magdamag.

Maliban pa dito ay patuloy rin na namo-monitor ang ground deformation o pagmamaga sa paligid ng bulkang Bulusan.

Samantala, patuloy naman ang paalala ng ahensya sa publiko na iwasan ang pagpasok sa 4km radius permanent danger zone dahil sa kasalukuyan ay nananatili pa rin sa alert level 1 ang alerto ng bulkan.