Nakapagtala ng isang panandaliang phreatic eruption sa bulkang Taal sa nakalipas na magdamag.
Tumagal ang aktibidad ng nasa isang minuto.
Batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na nakapagtala pa ng isang volcanic earthquake sa naturang bulkan.
Matatandaan na sa kasalukuyan ay nakataas pa rin ang alert level 1 sa Taal volcano na nangangahulugan na posible pa ring magpatuloy ang mga aktibidad nito.
Pinayuhan naman ang mga aircrafts na iwasan ang pagpapalipad malapit sa tuktok ng bulkan.