Nagpapatuloy pa rin ang abnormalidad na ipinapakita ng Bulkang Taal.
Ito ay dahil nakataas pa rin ang alert level 1 sa naturang bulkan.
Batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ay nakapagtala ng dalawang phreatic eruption events sa nakalipas na magdamag.
Wala naman na na-monitor na anumang volcanic earthquakes subalit nasukat kahapon, Oktubre 3 ang 3, 276 na tonelada ng sulfur dioxide flux at may umaangat na mainit na volcanic fluid sa main crater.
Samantala, patuloy naman na binabantayan ang aktibidad ng naturang bulkan.