Nakapagtala ng dalawang phreatic eruption sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology na na-monitor rin ang pag-impis sa Taal Caldera na may panandaliang pamamaga sa hilaga at timog silangang bahagi ng Taal volcano island.

Matatandaan na nakataas pa rin ang alert level 1 sa naturang bulkan at napapadalas ang mga aktibidad nito sa nakalipas na mga araw.

Dahil dito ay patuloy na binabantayan ang iba pang mga aktibidad ng bulkang Taal kasabay ng babala sa publiko na maging alerto.