Nagkaroon ng phreatic erruption ang Bulkang Mayon ngayong gabi.
Ayon kay Paul Alanis ang residente volcanologist ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), bandang alas 6:16 ng gabi ng magpalabas ng ash plume ang bulkan.
May taas nito na hanggang 200meter o 656 feet at napunta sa direksyon ng West Northwest.
Subalit pinawi ni Alanis ang pangamba ng publiko dahil normal lamang ito lalo’t nananatiling nakataas sa Alert level 1 ang bulkan.
Payo naman ng eksperto sa publiko na iwasan pa rin ang pagpasok sa 6km permanent danger zone ng bulkan.