LEGAZPI CITY- Pormal nang ibinaba ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Alert Level 1 status o low level of unrest ang Bulkang Mayon ngayong araw.
Matatandaang taong 2018 nang mag-alburoto ang bulkan at noong Marso 29 sa kaparehong taon, ibinandera ang Alert Level 2 o moderate level of unrest.
Paliwanag ni PHIVOLCS Director Renato Solidum sa eklusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi, nakitaan ng patuloy na pagbaba ng aktibidad ang mga parametrong binabantayan sa Mayon.
Sa nakalipas aniyang anim na buwan, bumaba sa daily average na isa ang lindol sa Mayon na indikasyon ng kawalan ng active transport ng eruptible magma sa mababaw na lebel ng bulkan.
Mula Enero 2020, nasa 300 hanggang 700 tonelada sa loob ng isang araw ang buga ng asupre kumpara sa baseline na average 500 tonnes per day.
Nababanaag pa ang crater glow kung gabi sa lava dome subalit hindi umano nakitaan ng anumang pagbabago sa obserbasyon ngayong taon habang may pamamaga rin sa ilang bahagi.
“PHIVOLCS-DOST is now lowering the alert status of Mayon from Alert Level 2 to Alert Level 1. This means that the likelihood of an eruption occurring within the immediate future has diminished. However, the lowering of the alert status should not be interpreted that the volcano’s unrest has ceased, considering that eruptible magma has already accumulated beneath the edifice. In the event of a renewed increase in any one or combination of the above monitoring parameters, the alert status may step up once again to Alert Level 2.”
Samantala nilinaw ni Solidum na kahit ibinaba na ang alert status sa Mayon, hindi umano ito nangangahulugan na wala nang aktibidad dahil posible pa umano ang mga minsanang phreatic eruption.
Payo pa nito ang ibayong pag-iingat at pagbabawal sa pagpasok sa danger zones.