Nasa limang volcanic earthquake lamang ang naitala sa bulkang Kanlaon sa nakalipas na magdamag.
Maliban dito ay nakita rin sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na nasa 2, 781 na sulfur dioxide ang ibinuga kahapon, Hulyo 6.
Patunay lamang ang mga ito na nananatiling regular ang ilang mga aktibidad sa naturang bulkan.
Sa kasalukuyan kasi ay nananatili pa rin sa alert level 2 ang Kanlaon volcano.
Dahil dito ay patuloy ang paalala ng mga kinauukulan na iwasan ang pagpapalipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan dahil sa panganib na posibleng idulot nito.