LEGAZPI CITY – Nakapagtala ng anim na volcanic earthquakes ang Bulkang Kanlaon sa nakalipas na magdamag.

Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, umabot pa sa 3,304 na tonelada ang ibinugang sulfur dioxide noong Hunyo 9.

Na-monitor rin ang patulos na pamamaga sa bulkang Kanlaon.

Matatandaan na nakataas pa rin ang alert level 2 sa naturang bulkan matapos ang naging pagputok nito na nagdulot rin ng paglikas ng mga residente malapit sa paanan nito.