Naitala ang nasa 20 volcanic earthquakes sa Bulkang Kanlaon sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na nagpapatuloy pa rin ang ground deformation o pamamaga sa naturang bulkan.
Sa kasalukuyan kasi ay nasa alert level 2 pa rin ang Kanlaon volcano.
Nangangahulugan ito na posible pa ring magpatuloy ang mga abnormalidad sa bulkan.
Nagbabala rin ang mga kinauukulan na hindi pa rin inaalis ang posibilidad ng pagkakaroon ng steam o phreatic explosions.