LEGAZPI CITY- Nakapagtala ng bahagyang pagtaas ng aktibidad ang Bulkang Kanlaon sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na nagkaroon ng limang volcanic earthquakes sa naturang bulkan.
Nasukat rin ang sulfur dioxide emmision na nasa 3007 na tonelada kada araw na nasukat kahapon, Hunyo 30.
Nabatid na patuloy rin ang pamamaha sa paligid ng Bulkang Kanlaon.
Matatandaan na hanggang sa kasalukuyan ay nakataas pa rin ang alert level 2 status sa naturang bulkan kaya patuloy na pinag-iingat ang publiko.