LEGAZPI CITY- Nakapagtala ng nasa 21 volcanic earthquakes sa bulkang Bulusan simula alas-12 ng madaling araw kahapon hanggang alas-12 ng madaling araw ngayon, Enero 9, 2026.
Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na patuloy rin ang pamamaga sa naturang bulkan subalit wala namang naitalang sulfur dioxide flux.
Matatandaan na sa kasalukuyan ay nakataas rin ang alert level 1 status sa naturang bulkan.
Ang Bulusan volcano ay matatagpuan sa lalawigan ng Sorsogon.











