LEGAZPI CITY- Eksaktong isang linggo matapos ang una nitong pagsabog, muli na naman na nakapagtala ng phreatic erruption sa Bulkang Bulusan sa Sorsogon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), bandang alas 3:37 ng mangyari ang pagsabog kung saan nagpakawala ito ng makapal na maitim na usok.

Photo by: Pderg Spdrrmo/Facebook

Hindi naman maitala ng mga ekipahes kung gaano kataas ang ipinalabas nitong plumes dahil na rin sa madilim pa ng mangyari ang pagsabog.

Photo by: Pderg Spdrrmo/Facebook

Muli rin na naiulat ang ashfall sa bayan ng Juban na matatandaang pinakanaapektohan ng abo ng unang sumabog ang bulkan noong Hunyo 5.

Dahil sa panibagong aktibidad ng bulkan, inaasahan na mananatili pa sa mga evacuation ang nasa mahigit 100 pamilya o 340 indibidwal na tumutuloy ngayon sa evacuation centers sa Juban.