LEGAZPI CITY – Mababa pa rin ang tyansa na alisin na ang Alert level 1 status sa Bulkang Bulusan dahil sa mga ipinapakita nitong abnormalidad.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay April Dominguiano ang resident volcanologist ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, sa ngayon patuloy pang nakakapagtala ng mga aktibidad sa bulkan kasama na ang namonitor na limang volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 na oras.
Patuloy rin ang pagbuga nito ng mataas na level ng sulfur dioxide at ang pamamaga na indikasyon na may umaakyat pa rin na magma.
Dahil dito, mahigpit pa rin ang payo ng opisyal sa mga residente na iwasang pumasok sa 4km permanent danger zone ng bulkan.
Mayroon pa rin umanong posibilidad na may mangyaring phreatic erruption anuman na oras kung kaya kailangan pa rin ng ibayong pag-iingat.