LEGAZPI CITY- Naitala ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan sa rehiyong Bicol matapos ang mahabang bakasyon noong holiday season.
Ayon kay Port Management Office Bicol Media Relations Officer Achilles Galindes sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi inaasahan na hanggang sa susunod na linggo pa ang buhos ng mga pasahero na ba-biyahe sa mga pantalan.
Batay sa tala simula Disyembre 20, 2024 hanggang Enero 3, 2025 nasa tinatayang 175,000 na mga outbound passengers ang naitala sa mga pantalan sa rehiyon habang nasa 85,000 naman agn inbound passengers.
Ang mga inbound passengers mula sa Visayas ay pumalo na rin sa 85,000.
Inaasahan na lulobo pa ang naturang bilang ng mga pasahero lalo pa at ang iba umano ay pinalawig pa ang kanilang bakasyon.
Sa kabila nito ay ipinagpapasalamat ni Galindes na walang naitalang anumang hindi inaasahan na mga insidente.
Samantala, pinayuhan naman ng opisyal ang publiko na sumunod sa mga polisiya upang hindi na maantala pa ang kanilang biyahe.