LEGAZPI CITY- Malabo pa sa ngayon kung ano ang motibo at kung sino ang mga taong nasa siisay likod ng pambabaril-patay sa isang punong barangay sa Libon, Albay.
Kinilala ang biktima na si Kapitan Oscar Maronilla ng Barangay San Pascual sa naabing bayan na pinagbabaril ng riding-in-tandem nitong nakaraang sabado.
Ayon kay PCpl Vincent Jordan S. Gumba, Investigator on Case, Libon MPS sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, base sa kanilang inisyal na imbestigasyon, mula sa Brgy Bonbon ang biktima para mamalengke ngunit hindi na ito nakabalik pa.
Malayo umano ang lugar ng pinangyarihan at walang masyadong mga dumaraan na mga tao kung kaya’t posibleng talagang sinundan at inabangan ang nasabing kapitan.
Kaugnay nito, nangako si Gumba na magkakaroon pa ng mas malalimang imbestigasyon sa nangyari.
Panawagan na lamang nito sa publiko na sakaling mayroong ideya sa krimen agad na ipagbigay alam sa mga awtoridad.