Nagkagulo ang mga supporters ni Republican frontrunner Donald Trump matapos marinig ang ilang putukan sa rally nito sa Butler, Pennsylvania.

Batay sa mga kumakalat na videos, narinig ang pinaniniwalaang mula sa gunshot sounds.

Mabilis naman na prinotektahan ng secret service agents si Trump at inalalayan na makababa sa etablado, kung saan makikita na tila may dugo sa bahagi ng tenga ng dating pangulo.

Kinukumpirma naman ngayon ng mga otoridad kung mayroon talagang nagpaputok ng baril, at patuloy na pinaghahanap ang mga nasa likod nito.

Nangyari ang insidente bago pa man i-anunsyo ng ni Trump ang magiging bise presidente nito sa papalapit na November elections.

Sa kasalukuyan ay patuloy pang iniimbestigahan ang insidente subalit kinumpirma ng kampo ni Trump na nasa ligtas na itong kondisyon.

Samantala, ayon naman sa pahayag ng national security na maituturing na banta sa seguridad ang nangyari kaya kinakailangan umanong magsagawa ng pagsisiyasat.