Kinumpirma ng Palasyo Malakanyang na naaresto na si dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng warrant laban as dating presidente laban sa crimes against humanity.
Ito ay kaugnay ng madugong kampanya laban sa iligal na droga ng nakalipas na administrasyon.
Ayon sa ipinalabas na pahayag ng Presidential Communications Office na natanggap kaninang madaling araw ng INTERPOL Manila ang opisyal na kopya ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court.
Matatandaan na dumating sa bansa si Duterte mula sa ilang araw na biyahe nito sa Hong Kong.
Nabatid na inihain ng Prosecutor General ang ICC notification para sa pag-aresto sa dating pangulo.
Siniguro naman ng Malakanyang na nasa maayos na kalusugan si dating Pangulong Duterte matapos suriin ng mga doktor ng pamahalaan.