LEGAZPI CITY- Itinaas na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa alert level 3 ang alerto ng bulkang Mayon.
Ito matapos ang naitalang pagdausdos ng pyroclastic density currents sa Bonga (southeast) Gully na nagsimula kaninang alas-12:26 ng taghali matapos mag-collapse ang bagong mga lava mula sa bulkan.
Tumagal ang naturang pyroclastic density currents ng tatlong minuto.
Kasunod ng pagtaas ng alerto ng bulkan ay inaasahang mas magiging mahigpit pa ang isasagawang mga hakbang ng mga lokal na pamahalaan na nasa Mayon unit area.










