LEGAZPI CITY – Pinaalalahanan ng isang political analyst ang mga botante isang linggo bago ang May 9 local at national elections.
Ayon kay Prof. Jean Franco ng UP Department of Political Science sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, huwang magpadala sa mga survey dahil sagrado ang boto at na pinag-iisipan ng mabuti.
Sinabi nito na base sa ilang statistician, mayroong overestimation ng demographic sa survey.
Hindi naman aniya nangangahulugang mali ang survey subalit may pagkakataong nangyayari ito.
Kasunod ito ng panibagong resulta ng survey ng Pulse Asia na may petsang Abril 16-21.
Tulad ng inaasahan, napanatili ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang malaking lamang sa lahat ng kalaban na nakakuha ng 56% voters preference na parehong bilang na nakuha ng buwan ng Marso.
Samantala, mayroon na man na 23% na approval rating si Vice President Leni Robredo na bumaba ng one percentage mula sa March approval rating.
Para kay Franco, taliwas sa lumalabas na survey ang ipinapakitang bilang ng mga tagasuporta ni Robredo sa mga isinasagawang campaign sorties.
Marami pa aniya ang pwedeng mangyari sa loob ng isang linggo bago ang mismong araw ng eleksyon.
Abiso sa mga botante na pag-aralan at kilalanin ng mabuti ang mga ibobotong kandidato para sa kinabukasan ng bansa.