Hindi magkamayaw sa tuwa ang mga fans at maging ang mismong players ng Boston Celtics matapos na mag-kampeon sa 2024 NBA Finals.

Nagtapos ang best-of-seven series sa Game 5 sa score na 106-88.

Sa pagsisimula pa lamang ng unang quarter ang mabilis na nakuha ng Boston ang kalamangan habang hindi na pinayagan pang makahabol ang Dallas Mavericks.

Nakapagtala si Jayson Tatum ng 31 points upang pangunahan ang Celtics na makuha ang ika-18 NBA title ng franchise.