LEGAZPI CITY – Isang panalo na lang ang kailangan ng Boston Celtics upang tuluyang maibulsa ang NBA Finals Championship.

Hawak na ngayon ng Boston ang 3-0 lead sa serye matapos ipahiya ang Dallas Mavericks sa best-of-seven series.

Tila inalat ang Dallas kahit pa hawak nito ang home court advantage.

Lalo pang nanlumo ang Dallas fans ng ma-foul out si Luka Doncic sa huling yugto ng laro.

Sinubukan pang humabol ng Mavericks na naibaba sa tatlo ang kalamangan ng Boston subalit hindi ito nagtagumpay.