LEGAZPI CITY- Hindi hinayaan ng Boston Celtics na makabawi ang Dallas Mavericks at tuluyang inangkin ang 105-98 win laban sa Dallas Mavericks.

Dahil dito ay hawak na ng Boston ang 2-0 lead sa best of seven series.

Sa pagsisimula ng first quarter ay unang lumamang ang Dallas subalit agad itong nahabol ng Boston sa kabila ng pagiging maalat sa outside shooting sa unang bahagi ng laro.

Samantala, ang Game 3 ay gaganapin sa teritoryo ng Dallas sa Huwebes, oras sa Pilipinas.