LEGAZPI CITY- Hakot award ang mga estasyon ng Bombo Radyo sa kakatapos pa lamang na ika-43 na edisyon ng Catholic Mass Media Awards.
Kasama sa mga nakatanggap ng pagkilala sa prestihiyosong aktibidad ang Star FM Bacolod na pinangalanan bilang Best Entertainment Program sa kanilang The Perfect 10 Countdown.
Best News Program naman ang nakuha ng “Top of the Hour News” ng Star FM Baguio.
Nakuha rin ng Bombo Radyo Tuguegarao ang Best Public Service Program para sa kabilang Zona Libre habang Best News Feature ang The Bombo Special Report ng Bombo Radyo IloIlo.
Maliban dito, special citation sa Best News Feature ang Star FM Manila para sa kanilang Babae sa Gitna ng Pandemya at kaparehong special citation para sa Best Counseling Program ang Kahapon Lamang ng Bombo Radyo Bacolod.
Sa ngalan ng Bombo Radyo Philippines taos puso po kaming nagpapasalamat sa patuloy na pagtitiwala at pagsubaybay sa mga programang hatid ng aming mga estasyon.
Hindi po namin makakamit ang mga awards na ito kung hindi dahil sa inyo, kung kaya maraming salamat po mga Ka-Bombo.