LEGAZPI CITY – Binigyang diin ng grupo ng mga magsasaka na ”useless” o wala namang pakinabang ang binuo at in-active na El Niño Task Force ng gobyerno na nilalayon sana na mabawasan ang epekto ng tagtuyot.
Ito ay matapos umabot na sa P1.2 billion ang pinsala sa sektor ng agrikultura dulot ng epekto ng El Niño phenomenon, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Federation of Free Farmers Cooperative National Manager Raul Montemayor, wala namang nagawa ang naturang task force upang matugunan sana ang problema sa patubig ng mgna magsasaka.
Sinabi nito na huli na ng gumalaw ang naturang task force, na dapat sana ay noon pa ginawa upang nabawasan ang danyos sa mga pananim.
Aniya, nauwi lang sa kwento ang mga gagawing hakbang na dapat sana napakinabangan ng mga magsasaka.
Dahil dito, sinabi ni Montemayor na posibleng makaranas ng pagkalugi ang mga magsasaka dahil kahit ang mga pananim na aanihan na walang sapat na patubig ay tiyak na mababa ang kalidad ng produkto