LEGAZPI CITY – Hakot medalya ang pambato ng Bicol sa billiards na overall champion sa National Private Schools Athletic Association 2024 na isinasagawa sa Legazpi City.

Nakuha ng billiards players ng Bicol ang gold medal sa boys junior 9 balls at 8 balls, gold medal naman sa girls 9 balls at silver medal sa girls 8 balls.

Nakuha pa ng pambato ng Bicol ang silver sa Women 9 balls at silver sa men 9 balls.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Ronald Cayetano head coach ng Billiards Team, matinding training ang kanilang sikreto upang makuha ang kampiyonato at manalo sa mga sinalihang kompetisyon.

Halos 15 araw na nakapagsailalim sa concentration training ang billiards team maliban pa sa pinagdaanang intensive training.

Nakatulong rin umano ang home court advantage dahil sa suportang ibinigay ng mga Bicolano sa mga atletang sumasabak sa kompetisyon.

Ngayong patapos na ang kompetisyon, inihayag ni Cayetano na magpapatuloy pa rin ang kanilang training at sasabak sa mga billiards competition upang patuloy na mapagtibay ang talento.