Inihayag ng Philippine Statistics Authority na tumaas pa ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong buwan ng Mayo 2024.
Batay sa tala ng tanggapan, pumalo sa 4.1% ang naitalang unemployment rate sa naturang panahon.
Katumbas ito ng nasa 2.11 million na mga Pilipino na kabilang sa labor market at naghahanap ng trabaho.
Mas mataas ito sa 4% na naitala ng tanggapan noong buwan ng Abril subalit mas mababa kumpara sa 4.3% na naitala noong May 2023.
Samantala, ayon sa ahensya nasa 4.82 million sa 48.87 million employed Filipinos ang maituturing na underemployed o mga naghahanap ng karagdagang trabaho o mapagkakakitaan noong Mayo.