LEGAZPI CITY – Pumalo na sa 3.3 million ang bilang ng mga bagong nagparehistro sa nagpapatuloy na voter registration ng Commission on Elections (Comelec) para sa May 2025 midterm elections.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Commission on Elections spokesperson Atty. John Rex Laundiangco, inaasahang madadagdagan pa ng 3 million ang naturang bilang bago ang deadline ng voters registration sa Setyembre 30.
Una nang iginiit ng tanggapan na hindi na papalawigin ang voter registration dahil sapat na ang ibinigay na panahon para dito.
Hinikayat naman ni Laudiangco ang mga Plipino na nasa ibang bansa na mag-enroll sa internet voting.
Sa pamamagitan kasi nito mas mapapadali na ang pagboto ng mga Pinoy abroad basta mayroong internet connection at naka-enroll sa internet voting at pwedeng bumoto kahit saan.
Epektibo na ang internet voting sa May 2025 elections.