LEGAZPI CITY – Tumaas ang tourist arrivals sa lalawigan ng Catanduanes sa ngayong taong 2024.
Base sa tala ng Catanduanes Provincial Tourism Office nasa 46,500 na ang mga turistang bumisita sa lalawigan na mas mataas ng 21.2% kung ikukumpara sa 38,400 noong nakaraang taon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Carmel Garcia ang Tourism Officer ng Catanduanes, epekto ito ng mga kampanyang isinasagawa ng ahensya upang makaengganyo ng mas maraming mga turista.
Kasama na diyan ang paggamit ng social media upang maipakilala ang mga tourist attractions.
Nakatulong rin ang Abaca festival na isa sa dinayo ng mga turista na mula sa ibat ibang mga lalawigan at maging sa ibang nasyun.
Umaasa ang opisyal na patuloy pang lalakas ang turismo sa Catanduanes na nakakapagbigay ng dagdag na kabuhayan sa mga residente at nagpapalakas sa ekonomiya.