LEGAZPI CITY – Nakuha na ng biktima ng panggagahasa ang hustisya matapos na maaresto ang suspek na halos dalawang taon na dekadang nagtago.
Itinuturing din ang suspek na Most Wanted Person ng Batangas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PLt. Col Nicolas Malipot Jr., information officer ng Masbate Police Provincial Office, naaresto ito sa pamamagitan ng ikinasa na operasyon ng kapulisan sa Sitio Intramuros, Brgy Poblacion 1, Claveria, Masbate.
Napag-alaman na sa naturang bayan din lang nagtago ng matagal ang suspek bilang isang magsasaka.
Ayon kay Malipot, nahirapan na mahanap ang naturang lalaki dahil isla o liblib ang naturang lugar.
Nahaharap ito sa kasong rape kung saan sariling anak lang ang biktima.
Samantala, ibinahagi ng opisyal na mabilis na ngayon ang pagtunton sa mga indibidwal na may sala sa batas sa pamamagitan ng mga makabagong sistema at teknolohiya.
x